Abante Tonite Interactive

IBP nilaglag ng 19 mangingisda sa inihaing petisyon sa SC

405

Nagkaisa ang Office of the Solicitor Gene­ral (SC) at 19 na mangingisdang naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) na bawiin ang inihain nilang kaso na Writ of Kalikasan kaugnay ng mainit na usapin sa West Philippine Sea.

Nabatid na binasura ang nasabing petisyon sa ginanap na oral argument sa SC matapos magbi­gay ng pahayag ang 19 na mangingisda.

Matatandang kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang mga naturang mangi­ngisda sa paghahain ng petisyon para sa Writ of Kalikasan sa West Philippine Sea.

Ibinunyag ni Solicitor General Jose Calida ang ginawang pagbawi ng 19 na mangingisda sa kanilang lagda mula sa petisyon.

“Wala kaming alam dito at hindi namin suportado ang inihaing petisyon,” ayon umano sa affidavit ng isang mangingisda.

Dahil dito, ibinasura na ng SC ang pagdinig sa nasabing petisyon. (Juliet de Loza-Cudia)