Abante Tonite Interactive

ICC prosecutor ipapaaresto ni Duterte

By
4,421

Winarningan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapaaresto ang Chief Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na si Fatou Bensouda kapag nagtangka itong umapak sa Pilipinas para imbestigahan siya.

Sinabi ng Pangulo na walang karapatang mag-imbestiga ng ICC Chief laban sa kanya kaugnay sa isyu ng maramihang pagkamatay sa war-on-drugs dahil wala itong basehan.

Iligal aniya ito at kapag nagpilit si Bensouda ay aarestuhIn ito.

Nagsimula ang ngitngit ng Pangulo sa ICC chief Prose­cutor sa tanong na may kinalaman kay Supreme Court Chief Justice Sereno, at sa mahabang litanya ay nauwi sa banta nito kay Bensouda.

“If we are not members of the treaty, why are you f****** in this country? You cannot exercise any proceedings here without basis. That is illegal and I will arrest you,” anang Pa­ngulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na hindi siya matatakot dahil walang hurisdiksiyon ang ICC sa kanya.

Mas makabubuti aniyang tigilan na ng ICC Chief Prosecutor ang kalokohan, at tantanan na ng mga taga-United Nations ang panggigigil sa kanya.

Sinabi pa ng Presidente na maraming problema ang gobyerno na dapat lutasin at sa halip na siya ang pagdiskitahan ng ICC at UN ay unahin ang mga pambobomba at pagpatay ng mga bata sa Middle East.

“So stop tour nonsense. Kayong mga taga-UN, you are better off. We have so many problems to solve, at hanggang ngayon wala kayong napagkikita. There are bombings there, hospitals of children are being bombed, ni wala kayong ginagawa,” dagdag pa ng Pangulo.