Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ice cream nagpositibo sa coronavirus

0 185

Libu-libong ice cream ang nadiskubreng kontaminado ng COVID-19 sa China.

Base sa ulat ng Daily Mail, nagkukumahog ngayon ang mga awtoridad sa Chinese upang mahanap ang mga taong nasa panganib ng virus infection.

Nabatid na nasa 4,836 kahon ng ice cream ang natukoy ng Tianjin Daqiaodao Food Company na kontaminado ng virus at 2,089 sa mga ito ang kinandado na sa imbakan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi sa China Daily report, 1,812 kahon ng ice cream ang naihatid na sa iba’t ibang probinsya habang 935 ang nakapasok sa mga palengke at 65 ang naibenta na.

Pinayuhan ang mga nakabili ng 450g ng ice cream na may sangkap mula Ukraine at New Zealand na i-monitor ang kanilang galaw upang madaling ma-trace.

Samantala, pinag-self quarantine naman ang 1,662 empleyado ng kompanya at isinailalim na sa COVID-19 test.

Ayon sa virologist na si Dr. Stephen Griffin, posibleng nagmula ang kontaminasyon ng ice cream sa human contact at isyu ng kalinisan sa pabrika. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.