Abante Tonite Interactive

ICEBREAKERS!

195

Sumandal ang Ateneo Blue Eagles sa fourth quarter para dagitin ang 73-69 panalo laban sa mabala­sik na University of Sto. Tomas Growling Tigers kahapon sa Season LXXIX ng UAAP senior men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Sa season-opener, inumpisahan ng Adamson University ang pambasag sa win-column nang gutayin ang University of the Philippines, 104-85.

Pakitang-gilas si rookie Jerrick Ahanmisi sa nilistang 28 points mula sa anim na 3-pointers para sa buena-manong panalo ng Falcons ni coach Franz Pumaren.

Umayuda ng 16 points at nine assists ang isa pang rookie ng Adamson na si Robbie Manalang. Sina vete­rans Dawn Ochea at Papi Sarr ay may tig-13 points pa.

Pinangunahan ng 24 points ni Paul Desiderio ang Maroons, may 15 si Jett Manuel.

Nagtulong sina Aaron Black at Thirdy Ravena para ilipad ng Blue Eagles ang 14-2 run sa pagbubukas ng payoff period at itarak ang 66-53 abante.

Umiskor si Black ng game-high 23 points, may double-double si Ravena na 17 markers at 11 rebounds.

Kumana si Ravena ng jumper para sa unang puntos ng Blue Eagles sa fourth, sinundan ng 3-poin­ter ni Anton Asistio hanggang bumuka ang lamang sa 13.

Sumingasing pa ang Tigers, naibaba ang hinahabol sa 66-71 may 54.6 na lang sa laro bago ibinaon ni Black ang long two na nagselyo sa panalo.

Bumira si Louie Vigil ng 21 points, nine rebounds at five assists at may 12 si Jan Macasaet sa Tigers.