Abante Tonite Interactive

Iced coffee, milk tea, pearl coolers patok sa mga Pinoy pero…

By
274

Patok sa Pinoy hindi lamang ang kape kundi pumapatok na rin ang iced coffee, pearl coolers at ang milk tea.

Sa kabila na mala­king content ng sugar ang ginagamit sa paggawa nito, ‘di pa rin mapigil ang pagkaha­ling ng mga Filipino kesehoda na may ­“presyo” ang isang baso nito.

Maraming restaurant naman ang nagla­lagay ng maraming ­butter at sugar para maging masarap ang kanilang pagkain. ‘Yung iba naman, para makatipid ay gumagawa na lang ng kanilang iced coffee o sariling bersyon ng milk tea.

May mga murang 2nd hand coffee maker sa mga thrift shop. Bili ka din ng grinded ­coffee beans, fresh milk, brown sugar.

Voila, may sarili ka nang kape.

Puwede ring lagyan ng syrup, coffee at cube ice.

May benepisyo ba sa milk tea o iced coffee?

Ilan naman sa eksperto ang nagsabi na wala namang gaanong benepisyo ang makukuha ng katawan ng tao sa milk tea o iced coffee kundi negatibo pa nga ang magiging epekto nito sa katawan ng tao.

Mas konting tamis na pumapasok sa katawan, mas mabuti.

Maaari mo ring matikman ang hina­hanap na tamis sa ibang masusustansyang pagkain tulad ng prutas.

Hindi naman tala­ga kailangan ng katawan ang mga artipis­yal na sugar at maa­aring ­maka-develop pa ito ng diabetes.

Kahit pa sunugin mo ang calories na ipinasok mo sa iyong katawan sa pamamagitan ng exercise, magkakaroon pa rin ng epekto sa inyong blood pressure at choleste­rol.

Hindi naman lahat ng uso ay dapat tikman.

Mas magandang ingatan ang ating katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain at ehersisyo.