Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ICU sa PGH puno pa rin

0 101

Bumaba na ang COVID-19 bed utilization rate ng Philippine General Hospital (PGH) pero nanatiling puno pa rin ang kanilang intensive care unit (ICU).

Ito ang inihayag ni PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario: nasa 60% na ang bed utilization rate kasunod ng pagbaba ng mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Sa kabila nito, marami pa silang pasyente na malala ang kondis­yon kaya’t kailangang ilagay ang mga ito sa ICU.

Ayon kay Del Rosario, wala na rin silang mahabang pila sa ngayon sa kanilang emergency rooms (ER) at kahit pa dumaan sa ER ang mga pasyente ay madali rin silang naili­lipat sa mga ward.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ngayon ay may 170 COVID-19 patient pa ang PGH mula sa 300 beds na inilaan nila para sa mga ito.

“So right now, we have close to 170 patients, confirmed COVID admitted to PGH, out of our 300 beds, so that’s roughly about 60%. That’s a big improvement from, we used to be taking care of patients, about 300.”

Sa datos na inilabas ng Department of Health nitong Lunes, lumilitaw na ang ICU utilization rate sa Metro Manila ay ikinukonsidera nang nasa ‘safe zone’ dahil bumaba na ito sa 59%.

Nabatid na ang PGH ang itinuturing na pinakamalaking COVID-19 referral center sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.