Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ID kailangan `pag bibili ng vape

0 229

Inaprubahan ng Kamara nitong Miyerkoles sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas para sa regulasyon ng mga electronic nicotine and non-nicotine delivery systems (ENDS/ENNDS) at heated tobacco product (HTP).

Sa ilalim ng panukala, hindi maaaring magbenta, bumili at gumamit ng e-cigarette ang mga indibidwal na wala pang 18 taong gulang.

SM food to go Banner Ad

Kailangang humingi ang nagbebenta ng government-issued identification card sa bumibili upang patunayan na ito ay 18-anyos.

Ipagbabawal din ang paggamit ng e-cigarette sa mga kulob na lugar maliban na lamang kung ito ay itinalaga bilang vaping area. Bawal din ito sa mga paaralan, ospital, tanggapan ng gobyerno at mga lugar kung saan madalas mayroong menor de edad. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.