Abante Tonite Interactive

ID na pasaporte sa mga OFW pinatigil

By
806

Pinatigil ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pag-iisyu ng mga identification card para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na puwede nilang gamitin bilang pansamantalang pasaporte sa sandaling mawala ang kanilang passport.

Ito ay matapos na makatanggap ng reklamo sa mga OFW na pinababayaran ng DOLE ang ID sa kanila.

Nabatid kay Bello na hihilingin niya kay Fo­reign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano na payagan itong maging pansamantalang kahalili ng mga mawawalang pasaporte.

Nabatid na nagsimula ang DOLE na magpamahagi ng ID noong nakalipas na Disyembre ng libre para magsilbing overseas employment certificates.

Ang naturang isyu ang naging ugat sa sama ng loob ni ACTS-OFW party-list Rep. Aniceto “John” Bertiz III matapos mabatid na ibinebenta ang ID na kanila umanong ibinigay sa DOLE ng libre.

Ang naturang mga ID ay hindi umano machine-readable.

Samantala, sinabi ni Bello na wala siyang personal na sama ng loob kay Bertiz, na nagpahayag ng kanyang saloobin sa publiko sa naturang OFW card program.

Sinabi ni Bello na baka nabigla lamang si Bertiz na una nang nagbanta na kakasuhan sina Bello dahil sa naturang OFW card.