Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Idava ika-3 matuling Olympic marathoner

0 202

65th birthday po sa Biyernes, May 28 nang isinilang noong 1956 sa Catanduanes na si 1976 Montreal Summer Olympic Games marathon veteran Victor Idava.

Kaya siya ang napili ng TP na bigyang pugay ngayong Miyerkoles.

Tinapos ng Bicolano long-distance runner ang makabali-tuhod at makasabog-bagang 42.195-kilometer race sa tiyempong 2hrs, 35mins at 23secs sa pagpuwesto sa ika-57 sa 60 finishers. May 67 ang starters, pito ang mga hindi nakatapos ng karera o nag-DNF.

Ang kalagayan ang nag-upo kay Idava bilang ikatlong Pinoy Olympic marathoner na may pinakataas na puwesto sa quadrennial sportsfest men’s 42.195K sa likuran nina 1968 Mexico Olympian Benjamin Silva-Netto (49th sa 57 finishers) at 1992 Barcelona Olympian Herman Suizo (52nd sa 87 finishers).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Idava rin ang ikalawang naghari sa National MILO Marathon (Finals) noong 1975 (2:54:35) sa pagsunod kay inaugural champion Numeriano Titong.

***

Maligayang kaarawan sa dalawa pa nating (Pinoy) Olympian sa track and field na sina sprinters Arsenio Laroza Jazmin (400-meter) na isinilang noong May 25, 1935 at sumabak sa 1964 Tokyo Summer Games; at Aida Mantawell na lumahok sa 1972 Munich Games at ipinanganak noong May 27, 1950.

Leave A Reply

Your email address will not be published.