Abante Tonite Interactive

Idemanda ang contractor

By
211

Dear Atty. Claire

Hi. Magandang araw po. Past 2 ng umaga at ‘di po ako makatulog sa tindi ng pag-iisip ko hanggang matagpuan ko ang inyong artikulo (salamat!)

Dati po akong OFW at ang husband ko po ay ibang lahi. Nakapag-ipon po kami pareho at nagdesisyon na dito na sa Pilipinas manirahan dahilan po sa pagkakasakit niya at sa ngayon ay isa na siyang PWD.

Sa Bulacan po kami nakabili ng lupa at nagpagawa ng bahay na 6 to 8 months ang ta­ning.

Marami po akong pinirmahan na papeles sa bahay ng engineer at bibigyan daw po ako ng copy matapos papirmahan sa enginee­ring department sa munisipyo.

Umabot ng 10 months ang bahay at ‘di pa tapos at pina­balik-balik ako sa bahay para makuha ang kontrata pero walang maibigay dahil nagkasakit ang engineer. ­

Umabot ng 15 months ang bahay na ‘di pa natatapos at iniwan ng tauhan niya ang susi sa kapitbahay at sinabing wala ng gagawa doon.

Hindi man lang naki­pag-usap sa amin. 90% po ang naibayad namin sa kanya at natira ang 10% na nabawasan na rin dahil wala ng pondo sa mga materyales na kailangan at du’n ko po ibinabawas ang gastusin na sang-ayon din siya.

Wala po siyang ­ibinigay na C.O.C (ako na rin ang nag-asikaso) nag-iwan pa ng mahigit­ 8k na unpaid bill sa tubig at P400 sa kuryen­te. Hindi rin nagbigay ng warranty ng bahay.

Hindi po siya nakiki­pag-ugnayan sa amin at wala po akong balak­ makipag-usap sa dahilan na naninigaw at masakit magsalita na nagdudulot ng aking high blood at ang asawa ko po ay bawal ma-stress dahil sa kanyang sakit. Attorney please tulungan niyo po kami.

Maraming salamat — Maris

Ms. Maris,

Ngayon pa lamang ay ipunin na ang mga dokumento na maaari mong gamitin kapag nagsampa ka ng kast laban sa contractor mo.

Magagamit mo ang mga pictures na nakunan mo habang gumagawa sila o kaya mga e-mail sa iyo tungkol sa progreso ang ginagawa nila.

Alamin mo kung ano ba ang profile ng kompanya ng engineer na sinasabi mo upang ma­laman mo kung totoo nga ba siyang engineer o isang peke o huwad.

Kapag nalaman natin na siya ay peke at walang lisensya sa PRC ay sampahan natin ng ESTAFA dahlia sa kanyang pagpapanggap.

Kung sakali­ naman na siya ay lehitimo at alamin natin ang record niya sa PRC at sa HLURB (kung may project siya) upang ma­laman natin kung marami na ba siyang kasong kapareho ng sa iyo na may panloloko upang mapatunayan natin ang kanyang modus operandi, maaari natin siyang patanggalan ng titulo bilang engineer kung hindi pa rin niya tatapusin ang bahay ayon sa inyong napag-usapan.

Kung mapatutu­nayan naman na wala naman siyang balak na manloko sa iyo at mawawala ang elemento ng fraud sa inyong usapan ay masasampahan­ mo pa rin siya ng kasong sibil tulad ng complaint for Specific Performance with damages. Makakahingi ka ng danyos sa mga perwisiyong naidulot ng kanyang pagiging in bad faith.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attoreyclaire@gmail.com