Abante Tonite Interactive

‘Idol Jack’ sikat na sentensiyador

By
447

Mga kasabong, kilala n’yo ba si Jack Cuaresma Gueco?

Isa siyang sikat na sentensiyador sa malalaking derby dito sa Pilipinas. Kaya ko nabanggit ay may mga malalaking pasabong na darating at paniguradong masisilayan na naman siya na magsesentensiya.

Maraming umiidolo kay Jack dahil sa kanyang bilis gumalaw at pagluhod kapag nagsisentensya.

Idol Jack ang tawag sa kanya ng mga sabungero. Hindi ko pa siya nakausap pero nakikita ko na siya sa sabungan, parehas at mabait ang sinabi ng mga nakakakilala sa kanya.

Hindi siya makakalimutan ng ibang sabungero, ilang taon na ang nakalipas ay may kumanting sabungero kay Jack dahil hindi matanggap ang pagkatalo ng kanyang manok.

Kaya madaling makilala si Jack kapag nakikita siya sa malalaking derby.

***

May bagyong tatama sa Pilipinas pero tuloy pa rin ang mga kasabong natin sa pagkondisyon ng kanilang panlaban sa darating na Linggo. Sana magpanalo ang mga alaga ninyo nang makahigop ulit ng mainit na sabaw, tamang-tama malamig.

***

Congratulations sa mga atletang nag-uwi ng medalya sa katatapos na 2018 18th Asian Games sa Jakarta-Palembang, Indonesia.
Naiabot na sa kanila ang insentibo noong Miyerkoles nang papuntahin sila ni President Rodrigo Duterte sa Palasyo.