Abante Tonite Interactive

Idol ko ang mga lumalaban sa COVID-19 – Duremdes

351

Isa ngayon sa sinasaluduhan ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes ang mga sumasagupa sa COVID-19 na mga frontliner.

“Ang tunay na idol po natin ay ang mga frontliners,” saad ni Duremdes sa isa niyang video post gamit ang MPBL Facebook page kahapon.

Ayon sa komisyuner, kung meron mang dapat tulungan ngayon at pasalamatan ay ang mga health worker o frontliner na patuloy na nagliligtas ng buhay ng ating mga kababayan lalo na ng mga apektado ng pandemic coronavirus disease.

“Kaya manatili po tayo sa ating mga kabahayan ngayon upang mapangalagaan pa sila at makapagligtas pa ng maraming buhay.”

Pinangwakas ng MPBL official na manatili na lang sa bahay ang lahat para maging ligtas sa virus.

“Please stay home, stay safe, healthy. God bless us all.” (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad