Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IED ng NPA galing sa minahan – Duterte

0 102

Hihigpitan ng gobyerno ang pagbebenta ng mga pampasabog na ginagamit sa mga minahan gaya ng dinamita at explosives dahil ginagawa umano itong improvised explosive device (IED) ng New People’s Army.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na karamihan sa mga landmine na itinatanim ng mga komunista laban sa tropa ng militar ay galing sa minahan.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na panahon na para higpitan ang pagbebenta ng mga dinamita at explosives sa mga kumpanya ng minahan para matigil na ang pamiminsala ng mga komunista.

“Iyang mga IED ninyo komunista, saan nyo kinukuha yan? Where do you get your explosive powder? Karamihan diyan galing sa mina,” anang Pangulo.

Inatasan ni Pangulong Duterte si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kontrolin at higpitan ang pagbebenta ng mga gamit pampasabog sa mga minahan para hindi na makaporma pa ang mga komunista sa bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.