Abante Tonite Interactive

Iganti n’yo kami next year — Desiderio

By
0 155

Huling laro na ni University of the Philippines star Paul Desiderio sa collegiate ang Game 2 ng 81st UAAP basketball tournament finals na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nawalis ang Fighting Maroons sa kanilang best-of-three series, pero para kay 5’10 guard Desiderio nalulungkot siya dahil hahanap-hanapin niya ang lugar na kanyang pinupuntahan.

Sa kabuuan, maligaya si Desi­derio dahil sa narating ng kanilang koponan ngayong season.

“Masaya kasi umabot kami dito sa Finals, wala naman nag-expect sa amin na makarating dito,” ani Desiderio. “Yung imposible naging posible kaya happy na rin ako na nakarating kami sa Finals.”

Posibleng sa ibang liga na maglalaro si Desiderio tulad ng PBA kaya nag-iwan ito ng mensahe sa mga maiiwan niyang teammate at mga papasok na bagong players.

“Dapat malampasan nila ‘yung nagawa ngayon, kaya next year sila ang babawi para sa amin,” sabi ni Desiderio.