Abante Tonite Interactive

Iginapos, sinunog ng textmate

By
20

Kalunus-lunos ang itsura nang matagpuan ang bangkay ng isang 34-an­yos na babae na nakagapos at sinunog pa ang katawan sa Sultan Mastura, Maguindanao kahapon ng madaling-araw.

Nadiskubre ang bangkay ng hindi pa pinangalanang babae bandang alas-5:30 ng madaling-araw sa isang maputik na lugar sa bayan ng Sultan Mastura.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, nakagapos ang magkabilang kamay at paa ng biktima at sunog ang katawan nito nang matagpuan.

Nalaman din sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad na may isang linggo na diumanong nawawala ang biktima matapos na makipagkita sa kanyang ka-textmate.

Lumalabas din umano sa inisyal na pagsusuri sa bangkay nito na posibleng inabuso muna ang biktima bago ito pinatay.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.