Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ignite 2-0, Kai hahabol

0 56

PINIPILIT ng kampo ni 7-foot-3 Filipino NBA hopeful Kai Sotto na makabalik agad sa Amerika upang makasama na ang Team Ignite na patuloy ang mainit na simula sa NBA G League bubble tournament.

Kahapon, itinarak ng Team Ignite ang ikalawang sunod na panalo para sa 2-0 start matapos talunin ang Oklahoma City, 109-103.
Katulad ng inaasahan, pumutok sa Ignite si Fil-Am Jalen Green sa kinulektang 21 points sa likod ng 8-of-12 shooting.

May palamuti pang limang rebounds si Green para sa Ignite.

SM food to go Banner Ad

Namuno sa opensa si Jonathan Kuminga sa kanyang 24 points, 5 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa ex-NBA star Brian Shaw-mentored team.

Anumang araw ay lilipad na si Kai pabalik sa Amerika upang matulungan ang koponan. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.