Abante Tonite Interactive

Igtad nagkalat sa World Slasher

128

Mga kasabong kahit anong gawin naman ay ‘di na maaalis ang mga “Igtad” sa sabungan, walang pinipiling lugar mga ‘yan.

Sumilip ako sa Day 3 ng World Slasher, sa bandang taas ako pumuwesto, nagmasid, nag-picture at nag-video kasi kailangan natin ‘yun. Maya-maya may isang sabungero na hinahanap yung kapustahan niya, sabi noon isang kristo ‘wag ng hanapin at wala na iyon.

Ang napansin ko magkakakilala yung mga ibang kristo, ‘di man sila magkasama ay tiyak na ‘di sila magtuturo kahit alam nila kung saan makikita yung tumakbong igtad.

Kumbaga ‘pag ang grupo ito ang nakaloko ay ‘di magsasalita yung ibang grupo. Sana ‘tang mga hinayupak na mga miyembro ng “Igtad” yan, dapat ang pinagtutuunan ng pansin, ‘di man mawala ay kahit mabawasan lang. At sana makahuli para malaman kung ano ang magiging parusa.

Madali lang naman mahuli mga yan, magpain lang ng kunwari Tolongges na nagta-trabisiya tapos may mga magmamasid sa kanya at babantayan yung mga kapustahan, tiyak “Huling Tutubi yan!”

Sana maaksyunan agad, nakakasira sa World Slasher at kawawa naman yung mga nabibiktima ng mga hinayupak na Igtad na mga yan.

Doon sila nakapuwesto sa itaas, likod ng Meron, pakitiris na lang sila para ‘di na bumalik.

***

Congratulations sa mga nagwagi sa semifinals ng WSC1 sana magtuloy-tuloy ang mga panalo niyo, ang gagaling ng mga manok talagang pinaghandaan nila…
Mabuhay kayo!