Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ika-165 biktima ng Dengvaxia vaccine lumutang

0 217

Kinumpirma ng Public Attorney’s Office (PAO) na isa na namang bata ang binawian ng buhay dulot ng kontrobersiyal na dengue vaccine na Dengvaxia sa Cavite.

Ito ang ipinarating ni Dr. Erwin Erfe, PAO forensic team chief kung saan natukoy ang biktimang si Dick John dela Cruz, 14-anyos, estudyante ng Binakayan Elementary School sa Kawit.

Napag-alamang binawian ng buhay ang binatilyo nito lamang Mayo 24 at isinailalim sa awtopsiya ang katawan, Mayo 29.

“Based on the autopsy, the immediate cause of the boy’s death is the enlargement and bleeding of the brains and the lungs,”ani Erfe.

Handa namang ilaban ng mga magulang na sina Jessie at Analyn ang kaso laban sa mga nasa likod ng P3-bilyong procurement at mass vaccination ng nasabing bakuna na nangyari sa pagitan noong 2015 at 2016.

Leave A Reply

Your email address will not be published.