Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ika-2 barko ng navy nasa South Harbor na

0 84

Dumaong sa Pier 13, South Harbor sa Maynila nitong Biyernes ang ikalawang missile-capable warship ng Philippine Navy.

Binigyan ng arrival ceremony ang missile frigate BRP Antonio Luna, na magagamit sa pagdepensa sa bansa, humanitarian assistance at disaster response operations.

Natapos na ng barkong pandigma ang pagka-quarantine sa Subic Bay nang dumating sa bansa mula sa Hyundai Heavy Industries shipyard sa Ulsan, South Korea noong Pebrero 9.

Ang barko ang ikalawang Navy vessel na ipinangalan kay Antonio Luna matapos iretiro ang BRP Heneral Antonio Luna, isang patrol gunboat, noong 2016 makalipas ang 17 taong serbisyo nito.

Unang dumating sa bansa ang BRP Jose-Rizal na nagamit na noong July 2020. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.