Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ika-2 bersyon ng mananita fake news – Sinas

0 83

Itinanggi ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas na dumalo siya ng Christmas party o ang ikalawang bersyon ng Mananita na kumakalat sa social media sa kabila ng umiiral na health protocol sa bansa bunsod sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Sinas, ang mga litrato na nakikitang sumasayaw siya sa isang party na kumakalat ngayon sa social media ay hindi nangyari ngayong kapaskuhan o nang magdeklara ng lockdown ang bansa noong Marso.

“Negative po. Fake news po yun. I have shown that video, alam ko retirement ng classmate ko yun doon sa Tuguegarao just before the alam ko January pa yun retirement yun wala po kaming christmas party hindi ba. Siguro may mga tao lang talaga na walang magawa sa buhay,” pahayag ni Sinas sa isinagawang press briefing sa Camp Prospero Olivas in San Fernando City, Pampanga nitong Lunes. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.