Ika-2 buhay utang ni Anthony kay LeBron

444

Hindi lang pam-basketball si LeBron James, pang-Baywatch din.

Taong 2015, sama-samang dumayo sa Bahamas sina LeBron, Dwyane Wade, Carmelo Anthony at Chris Paul.

Nasa yate ang apat na mga sanggang-dikit.

Sa Instagram Live ni D-Wade, ibinunyag ni ‘Melo ang isang kuwento na silang close buddies lang ang nakakaalam.

Sinagip aniya siya ni LeBron nang mag-swimming sila.

Tinatangay na si ‘Melo noon ng current papunta sa gitna ng dagat, palayo sa yate. Malakas din ang hangin, kung anu-ano na raw ang pumapasok sa isip niya nang biglang umeksena si LeBron.

“I look up at the boat and I see ‘Bron jumps off the boat like he’s MacGyver,” tanaw-balik ni Anthony.

Si MacGyver ang lead character sa TV series noong ‘80s na mapamaraan, laging may remedyo sa pagsagip sa mga nasa panganib.

“He jumped off the boat into the water. He was bringing me back with one arm. He’s swimming with arm and he’s carrying me with the arm,” patuloy ni ‘Melo.

Saksi si Wade sa husay ni LeBron sa court.

“Off the court, when he went and saved ‘Melo’s life?” aniya.

Special ‘yun kay Anthony.

“He saved my life,” panapos na litanya ni ‘Melo. “Yo, Bron. I appreciate that, you saved my life that day. Them little flippers wasn’t working for me.” (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...