Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ika-2 na sa 1 linggo: Galamay ng Fajardo Gang tinumba

0 62

Isa na namang miyembro ng umano ay notorious na Ireneo Fajardo Criminal Gang (IFCG) ang napatay sa engkwento sa Sta Rosa City, Laguna noong Huwebes.

Kinilala ang nasawi na si Mervin Agualada y Pacheco, 34, ng Santa Rosa City at kabilang sa high value individual list ng PNP.

Miyembro din umano ito ng Ireneo Fajardo Criminal Group, isang gang na sangkot sa kidnpping, gun for hire at illigal drug trade sa mga lungsod ng 1st district ng Laguna at Muntinlupa City.

Ayon sa Sta Rosa City police, nanlaban ito sa buy-bust na ikinasa sa mismong bahay nito.

Dead on the spot ito matapos magtamo ng mga bala sa katawan.

Si Agualada na ang ikalawang miyembro na napapatay sa operation sa loob ng isang linggo. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.