Abante Tonite Interactive

Ika-2 PUI mula Hong Kong, kulong sa Zambales

0 212

IBA, ZAMBALES — Ipinaalam ni Provincial Health Officer Dr. Noel C. Bueno na mayroon silang bagong pasyente na sasailalim sa Person Under
Investigation (PUI) bilang pangalawa para sa COVID-19 na nagmula sa ibang bansa.

Ayon kay Bueno, ito ay isang babae na OFW mula sa bansang Hong Kong na umuwi dito sa Pilipinas noong nakaraang Enero 28 at nakakaranas ngayon ng sipon.

Idinagdag pa ni Bueno na wala pa namang lagnat at ubo ang babae pero boluntaryo pa rin siyang nagpatingin at nagpa-isolate dito sa Ramon Magsaysay Memorial Hospital para na rin sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Samantala, nakalabas na sa ospital noong Miyerkoles (Pebrero 11) ang kauna-unahang pasyente na sumailalim sa (PUI) dito sa probinsya, matapos lumabas na negatibo ang confirmatory test. (Randy Datu)