Abante Tonite Interactive

Ika-3 titulo ng Ronda papadyakin ni Morales

430

Ipinagmamalaki ni Jan Paul Morales ang kanyang mga kakampi sa Standard Insurance-Navy.

Ayon ito sa kanya kahapon sa two-time bikathon champion, puwedeng manalo ang kanyang tropa sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race na magsisimula bukas sa harap ng provincial capitol ng Sorsogon.

“Kahit sino sa mga kakampi ko puwede sa general classification, magtutulungan na lang kami kung sinong nasa itaas o may tsansa para sa title,” saad ng 34-anyos na siklista.

Naghari rito si Morales noong 2016 at 2017, mga kakampi niya sina 2018 king Ronald Oranza, consistent top 10 finishers El Joshua Carino, George Oconer, Ronald Lomotos, John Mark Camingao at many-time King of the Mountain winner Junrey Navara.

Bagito lang sa Navy si Lance Allen Benito.

Inamin rin ni Morales na kaya pa niyang masilo ang pangatlong titulo sa nasabing 10-Stage event na matatapos sa Vigan City sa Marso 4.

“I always aim to win in all the races I join and I’m confident of my chances this year,” panapos niyang sambit.

Target ng mga siklista ang P1M premyong cash sa event na mga suportado ng LBC, ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder atbp. (Elech Dawa)