Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ika-46 PBA season kasado

0 80

PIPILITING buksan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang ika-46 season sa founding anniversary nito sa Abril 9.

Gayunman, sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na nakasalalay ang pagbubukas ng liga sa nasabing petsa kung maayos na ang sitwasyon kaugnay sa coronavirus pandemic.

“Nakahanda na halos lahat ng plano. Ang hindi na lang natin sigurado ay ang sitwasyon ng ating bansa kung ano ang mga susunod na mangyayari,” sabi ng PBA chief.

Matatandaan na isinagawa ang unang laban ng liga sa Araneta Coliseum sa Quezon City noong Abril 9, 1975. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.