Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ika-5 petisyon kontra Anti-Terror Law inihain sa SC

0 345

Mayroon nang limang petisyon na inihain sa Korte Suprema laban sa umano’y unconstitutionality ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Magiging epektibo ang Anti-Terrorism Law sa July 19.

Inihain ang panlimang petisyon ni Rudolph Philip Jurado, dating Office of the Government Corporate Counsel chief.

Kagaya ng apat na naunang petisyon, hiniling ni Jurado ang paglalabas ng SC ng temporary restraining order laban sa pag-iimplementa ng Anti-Terrorism Law.

Kinuwestiyon ni Jurado ang Sections 4 at 29 ng Republic Act No. 11479 kaugnay sa depenisyon doon ng terorismo at ang pag-aresto sa mga suspek kahit walang warrant maging ang pinahabang detensiyon ng mga suspected terrorist. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.