Abante Tonite Interactive

Ika-5 sunod na oil price hike, abangan sa Martes

0 222

Magkakaroon muli ng panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes.

Ayon sa industry sources, maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 ang magiging umento sa presyo ng kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.

Ito na ang ikalimang linggo na nagtaas ang presyo ng produktong petrolyo.

Mula Enero 3 hanggang Setyembre 6, 2018, ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P12 kada litro; P14 hanggang P16 naman kada litro sa diesel at P12 hanggang P18 naman kada litro sa kerosene.