Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ika-7 taong pananalasa ni `Yolanda’ ginunita

0 199

Ginunita ng mga residente ng Tanauan, Leyte ang pananalasa ng super typoon Yolanda kung saan libo-libo ang nasawi pitong taon na ang nakalipas.

Taimtim na nagdasal ang mga residente para ialay sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay kung saan taon-taon nila itong ginagawa.

SM food to go Banner Ad

Hindi naman nakalimot sa health protocol ang mga residente na naka-face mask gayundin ang social distancing upang hindi kumalat ang COVID-19.

Sa mensahe naman ni Tanauan, Leyte Mayor Pelagio Tecson, inalala nito ang mga naganap sa pananalasa ni Yolanda gayundin ang mga sinapit na hirap at aral sa mga pangyayari na kanila umanong isasalin sa mga susunod na henerasyon.

“The Super Typhoon Yolanda seven years ago humbled all of us here. All of us were brought down to our knees. Our hardship was unimaginable, but the experience put goodness in men through the goodness and grace of God,” saad ng alkalde. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.