Abante Tonite Interactive

Ikaapat na Business Forum ng Malabon ginanap

0 122

Higit 300 mga negosyante, investor, at bisita ang dumalo ngayong Huwebes sa ikaapat na Business Forum ng lokal na gobyerno ng Malabon.

Nagpasalamat si Mayor Lenlen Oreta sa sektor ng negosyo dahil sinuportahan umano nito ang mga proyekto ng kanyang pamunuan.

“Ito ang sinisiguro ko: Ang bawat sentimo na ating ibinabayad ay napupunta sa mga proyektong makatutulong sa bawat Pamilyang Malabonian,” ani Oreta.

Ginawaran din ang limang iba’t ibang kompanya sa Gawad Galing Malabonian Awards.

Natanggap ng Remilly’s Yema Cake ang “Tagumpay ng Malabonian Award,” habang nagkamit ang MC Master Siomai Hut, Inc., ng “Asensong Malabonian Award.”

“Tatak Malabonian Award” naman ang ginawad sa Malabon Soap & Industrial Company, Inc.; “Pamilyang Malabonian Award” ang napuntang parangal sa Manila Plastic Products; habang “Lingkod Malabonian Award” ang nakamit ng Manly Plastics, Inc..

————
Photo Caption: Kasama ni Malabon Mayor Lenlen Oreta ang mga Gawad Galing Malabonian awardee sa ikaapat na Malabon Business Forum ngayong Huwebes, Oktubre 10, 2019.

SDC