Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ikatlong bugso ng SAP, nasa kamay ng Kongreso

0 522

Inginuso ng Malacanang sa mga mambabatas sa Kamara para pagpasyahan ang muling pamumudmod ng ikaltong bugso ng special amelioration program (SAP) sa mga pamilyang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni Presidential Harry Roque na kailangan ng batas mula sa Kongreso para sa pagbibigay ng ayuda matapos isailalim sa MECQ ang Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal mula Agosto 4 hanggang 18.

Aniya, hindi umano pwedeng gastusin ang kaban ng bayan ng walang nagmamandatong batas.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, nakatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 ang bawat pamilyang Pilipino na naapektuhan ng COVID-19 kung saan umabot sa 18 milyong pamilya ang beneficiaries ng nasabing financial assistance. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.