Abante Tonite Interactive

Ikinasal sa batchmate

0 255

Nanaginip po ako na ikinakasal sa high school batchmate ko pero hindi naman kami close nung lala-ke at may gf sya.

Tapos nung nasa altar daw kami nagtataka ako bakit ako ‘yung pakakasalan nya.

‘Yung wedding vows naisip ko raw bakit parang mali. Tapos bigla na lamang nagbago ang panaginip ko at nakita ko na ang bride ay iyong gf na niya. Pinanood ko raw ang kasal at nagtataka raw ako bakit noong una ay ako ang bride.
Yan

Ang panaginip tungkol sa kasal ay sumisimbolo sa isang pagsisimula o isang malaking pagbabago na kinakaharap sa iyong buhay. Ang kasal ay maaaring indikasyon din na meron kang pinagdadaanang isyu tungkol sa commitment.

Kung nakita mo ang sarili na nagpapakasal, maaa-ring representasyon ito ng isang commitment o partnership na iyong pinapasok. Pag-aralan mo kung sa aktuwal na buhay ay meron kang pinapasok na commitment kung saan maaaring may nararamdaman kang pagkabalisa o pagdududa. Kung merong ganito, maaring dito konektado ang senaryo sa iyong panaginip kung saan nakita mong ikinakasal ka sa iyong batchmate.

Related Posts

Ang panaginip naman kung saan nanonood ka ng kasal ng iba ay indikasyon na meron kang nararamdamang pagkainggit sa kaligayahan ng ibang tao. Kung ikaw ay nasa isang relasyon kung saan hindi ka masaya, posibleng dito mo maikonek ang iyong panaginip.

Ang kasal ay indikasyon din na m­eron kang ikinokonsiderang plano para sa hinaharap at puwede rin namang ito ngang planong ito ay may kinalaman sa iyong lovelife. Dahil napalitan ang bride sa iyong panaginip, maaari namang itong ikonek na hindi ka pa handa sa anumang permanenteng commitment.

Maaring mensahe ito ng iyong subconscious na hindi ka pa handang pumasok sa anumang seryosong relasyon.

Hindi naman indikasyon ang iyong panaginip na ikinakasal ka sa isang batchmate na meron kang lihim na pagtingin sa kanya. Sa halip nagamit lamang siya ng iyong isip bilang representasyon. Kung ano ang mga katangian ng iyong batchmate ay maaaring salungat siya sa mga katangian ng iyong i­deal groom-to-be kaya naman sa huli ay nai-lagay sa tama at hindi na ikaw ang na-ging bride.

Gamiting gabay ang iyong panaginip para pag-aralan kung ano ang kasalukuyan mong pananaw sa isang pakiki-pagrelasyon. Magagamit ito para makita kung ano ang mga ayaw mo at ano ang mga ini-expect mo pagdating sa usapin ng pagpasok sa mga permanenteng commitment sa buhay.

Dream Catcher
DISCLAIMER: Ang DREAM C­ATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcat-cher@gmail.com.