Abante Tonite Interactive

Ikonsulta sa Pag-IBIG Fund

570

Dear Atty. Claire,

Itatanong ko lang po tungkol sa bahay at lupa ng biyenan ko sa Bicol na balak sana namin ipagawa ‘yung ­second floor. Posible po ba mapagawaan ng titulo ‘yung bahay sa pangalan namin?

If ever naman may second option kami. ‘Yung parte ng lupa ng biyenan ko sa likod balak namin ipasok sa Pag-IBIG Fund as lot ­purchase at ‘yung makukuha roon ang gagawin ­namin na ­pampagawa ng ­bahay.

Puwede po ba ‘yun ipasok sa Pag-IBIG as lot purchase na deed of sale lang ng parte ng lupa kasi may mother title siya na hawak ng mga biyenan ko para sa kabuuan?

Salamat po ng marami sa pagsagot.

Regards,
Recel

Dear Ms. Recel,

Kung ibebenta ‘yung lupa sa inyo, walang problema ang pagpapatitulo sa pangalan ninyo. Pero kung papayagan lang naman ­kayong magpatayo ng se­cond floor ay huwag na ninyong isipin na angkinin ito nang hindi naman talaga ninyo binibili.

Iyong lote sa likod na pag-aari rin ng biyenan mo ay maaari mong bilhin sa kanya sa pamamagitan ng pag-loan sa Pag-IBIG Fund. ­Problema dyan ay hindi pa naman nakarehistro sa biyenan mo ay ­hindi iyan tatanggapin ng Pag-IBIG Fund para sa real estate ­mortgage.

Dapat malinis ang titulo at walang pro­blema. Kung ang ­titulo ay hindi pa nahahati o na-partition at ang lupang nais mo ay parte pa ng isang mother title ay dapat ka pa munang magpa-survey at ma-partition ang lupang nais mo. Dapat kayong makipag-ugnayan sa Pag-IBIG Fund upang masimulan ninyo ang proseso.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922-0245 o 8514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.