Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ikulong mga lasenggo – Duterte

0 130

Ipakukulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tomador na hindi marunong sumunod sa quarantine protocols para makaiwas sa COVID-19.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes, sinabi ng Pangulo na kahit ginagawa na ng gobyerno ang mga hakbang para hindi makompromiso ang kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipino ay mayroon pa ring hindi sumusunod sa quarantine potocols.

SM food to go Banner Ad

Ang mga pasaway aniya ang nagiging problema ng mga otoridad dahil sa kabila ng mahigpit na quarantine protocols ay isinisingit pa rin ang kanilang bisyo gaya ng paglaklak ng alak.

“Itong nag-iinuman, p*****i**, iyan ang dapat ikulong ng pulis. We have been trying to be very strict about itong mga violations ng quarantine,” anang Pangulo.

Ayaw aniya nito hanggat maari na magpakulong dahil ang hinihingi lamang ng gobyerno ay manatili sa bahay at sumunod sa quarantine protocols subalit sadyang may mga mamamayang matigas ang ulo kaya dapat silang bigyan ng leksyon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.