Abante Tonite Interactive

Ilabas ang jacket! Lamig titindi pa — PAGASA

0 232

Bahagya mang humina ang hanging amihan, sa susunod na linggo ay asahan muli ang bugso nito kaya mas magiging malamig pa ang temperatura.

Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, bagama’t humina nang bahagya ang hanging amihan ay nakapagtala pa rin ng mababang temperatura sa ilang bahagi ng bansa.

Sa monitoring ng PAGASA ay nasa 20.8 degree Celsius ang temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City; 19 degrees sa Tanay, Rizal; 20.2 degrees sa Laoag City; 20.6 degrees sa Clark, Pampanga at 12 degrees sa Baguio City.

Sinabi ni Figuracion na sa susunod na linggo ay lalakas muli ang hanging amihan kaya hanggang matapos ang buwan ng Pebrero ay iiral ang malamig na panahon.(Tina Mendoza)