Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilag sa 3 killer virus

0 110

Kapag panahon ng tag-ulan mga tropapips, laging ipinapayo ng mga matatanda na mag-ingat para hindi magkasakit. Pero ngayong panahon, hindi lang simpleng lagnat o trangkaso ang dapat ilagan kung hindi tatlong matitinding killer virus.

Siyempre, una nang dapat ilagan ang COVID-19 na hanggang ngayon kahit may mga nabakunahan na eh namamayagpag pa rin. Lalo pa nang ipanganak ang Delta variant na unang nakita sa India na mas makakahawa raw.

At dahil dumadami na naman ang daily cases ng COVID-19 maging sa Metro Manila, kakaba-kaba na naman ang mga kurimaw nating arawan ang sahod o ang mga no work-no pay, dahil parang suspense movie ang posibilidad na magkaroon na naman ng total lockdown, o ika nga ni Kim Chiu–bawal lumabas.

Nagtataka nga ang mga kurimaw natin kung bakit nga ba hindi bumababa o bumabalik sa dating lebel noong Marso na 1,000-2,000 ang daily cases ang COVID gayung sinusunod naman ng mga tao ang utos ng gobyerno na pagsusuot ng face mask at face shield?

Kung matatandaan nyo mga tropapips, nagsimulang sumirit ang COVID cases noong Abril, at nagkaroon ng lockdown, hanggang mauso ang “hightened restrictions” sa NCR Plus [provinces] Bubbles.

Nagkaroon na rin ng mga pagbabakuna na umaabot na raw 18 milyon. Pero ang daily cases at maging ang mga active cases, hindi pa rin bumabalik sa panahon ng Marso. At walang paliwanag ang mga eksperto kung bakit. Anyare?

Pero bukod sa COVID-19, dahil tag-ulan at madalas ang baha kahit pa sinabi ng ilang opisyal na madali raw humupa, nandiyan ang peligro sa virus na nagdudulot ng nakamamatay din na Leptospirosis.

Ang leptospirosis eh nakukuha sa paglusong sa maruming tubig [gaya ng baha]. Madadali ka ng sakit kapag ang baha eh may ihi ng mga hayop tulad ng daga. Kapag may sugat ka na nababad sa baha, aba’y tagilid ka.

SM SuperKidsDay Banner Ad

At dahil mahirap ang biyahe ngayon [lalo na kung umuulan], maraming manggagawa ang napipilitang lumusong sa baha. Tanong ng kurimaw natin, mayroon din daw kayang epek sa leptospirosis ang COVID-19 vaccine?

Mismong ang isang opisyal na ng Department of Health (DOH) mga tropapips ang nagsabi na tumaas ng 13-percent ang leptospirosis cases ngayon taon kumpara noong 2020.

Mula Enero hanggang Hunyo pa lang, 520 kaso na raw ng leptospirosis ang naitala. Isipin niyo mga tropapips, ang panahong nabanggit eh hindi pa panahon ng tag-ulan. At mas marami rin ang namatay ngayong taon kumpara noong 2020 sa kaparehong buwan na nabanggit.

But wait there’s more! Kung hindi pa sapat ang COVID at leptospirosis, idagdag pa riyan ang banta ng isa pang killer virus na uso rin sa panahon ng tag-ulan–ang dengue na dala ng lamok.

Bagaman mas mababa raw ang dengue cases sa unang anim na buwan ng 2021 kumpara sa kaparehong panahon noong 2020, aba’y hindi pa rin dapat maging kampante dahil libu-libo pa rin ang naoospital dahil sa mga batik-batik na lamok.

Sa isang datos na nakita natin para lang sa Enero hanggang Abril, may naitalang mahigit 21,000 dengue at 80 ang namatay. Apat na buwan pa lang ‘yan mga tropapips at hindi rin panahon pa ng tag-ulan.

At kahit bumababa sa kaso ng dengue sa bansa, may naitatala namang pagtaas ng kaso sa ilang lalawigan tulad ng Pangasinan at South Cotabato. Kaya ang dapat, tripleng pag-i-ingat, at hindi na kailangang i-memorize ‘yan. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.