Abante Tonite Interactive

Ilagan, Baste tuloy ang ragasa vs LPU

202

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre, San Juan)
12 noon – JRU vs UPH (Men)
2 p.m. – LPU vs SSC-R
4 p.m. – CSJL vs EAC

Ganadong mabanggit na makakaabot sa Final Four ang San Sebastian College, susubok na maabot ang third straight win at akbayan ang idle San Beda University sa liderato sa pagtanggap sa hamon ng Lyceum of the Philippines University nga­yong Martes ng alas-2:00 ng hapon sa 95th National Collegiate Athletic Association seniors basketball tournament first round eliminations sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Babantayan sa nasa segundang Baste (2-0) si RK Ilagan na sa demolisyon ng Golden Stags sa Emilio Aguinaldo College ay sumuwag ng 25 points.
Asam ng Pirates naman ang back-to-back victory tapos ng 79-71 desisyon laban din sa Generals.

Magtitipan sa unang­ laro ang nasa pangwalong Jose Rizal University (1-3) at kabuhol sa ika-9 o kulelat na University of Perpetual Help (0-3) sa alas-12:00 ng tanghali. Gayundin ang nasa pang-apat na Colegio de San Juan de Letran (3-1) at katrintas sa pang-anim na University of Perpetual Help (1-2). (Aivan Espicope)