Abante Tonite Interactive

Ilagan, Capobres, Baste tinambangan ang JRU

237

Nagsanib puwersa sina RK Ilagan at Alvin Capobres upang akbayan ang San Sebastian College sa impresibong 82-51 pagtambak sa Jose Rizal University sa 95th National Collegiate Athletic Association 2019 seniors basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Maagang nagparamdam ng lakas sina Ilagan at Capobres kung saan nahawakan ng Stags ang 13-point lead sa halftime, 35-22.

Nagtala si Ilagan ng 25 pts 5 assists at 3 rebounds habang bumakas si Capobres ng 16 markers at 6 boards para sa Baste.

Abante Hiring – IT dep

Bumuhol ang SSC sa maagang quintuple-tie sa lead, kahanay ang University of Perpetual Help na ungos sa Mapua University, 80-78; at College of Saint Benilde na alpas din sa Emilio Aguinaldo College, 69-66. Gayundin ang opening day winners Lyceum of the Philippine University at defending three-time champion San Beda University.

Lumobo pa ang lamang ng Quiapo-based squad sa second half dahil patuloy ang pa-ngangamada nina Ilagan at Capobres.

“I’m just challenging the boys lalo na’t lagi kaming naisasama sa finals. I guess na-challenge naman yung mga bata and they showed a good game tonight,” suma ni San Sebastian coach Egay Macaraya. (Elech Dawa)