Abante Tonite Interactive

Ilagan may gustong patunayan

0 212

Pagkakataon ni San Sebastian College star RK Ilgan na makabawi ngayong Season 95 ng NCAA basketball tournament tapos siyang maparusahan nakarang taon dahil sa paglalaro sa ligang labas.

‘Di natulungan ng kamador na si Ilagan ang Golden Stags sa kampanya nakaraang season, naging pabigat pa dahil nawalan ng saysay ang kanilang panalo nang patawan ng parusa ng NCAA ManCom.

“Kailangan makabawi ako ngayon lalo na sa tiwalang ibinigay nila sa akin ngayon lalo na si coach Egay (Macaraya),” saad ni Ilagan sa balitang lumabas sa Spin.ph.

Nagpakitang-gilas agad si Ilagan nang akbayan sa panalo ang Baste kontra Jose Rizal University, 82-51, Martes sa FilOil Flying V Centre. Nagtala siya ng 25 points.

“RK is special. Tumitira na ng halfcourt, pumapasok pa rin,” ani Macaraya. Masaya si 5-foot-11 Ilagan sa kanilang unang panalo, pero aminadong mapapalaban sila nang todo kapag nakatapat na ang ibang tigasing teams.

“Importante na makuha namin kaagad ‘yung kumpiyansa namin sa unang laro. Alam naman natin na mas matindi pa ‘yung mga makakalaban namin,” wakas niya.

Sinabi rin niyang may pressure ang kanyang laro pero masasanay rin siya.