Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilan ba talaga ang herd immunity sa ‘Pinas?

0 402

Gaya ng bilang ng mga tinamaan, gumaling at namatay sa COVID-19, numero rin mga tropapips ang magiging sukatan sa “herd immunity” kung makakahinga na ba tayo sa virus na orig na nanggaling China.

Pero kapag nagkamali ng bilang, malaking trahediya ang posibleng mangyari.

Kung matatandaan niyo mga tropapips, sa mga naunang litanya nina Health Sec. Francisco Duque III at Vaccine czar Carlito Galvez, sinasabi ng dalawa na 70 milyon hanggang 80 milyong Pinoy ang kailangang mabakunahan (70 hanggng 80 percent ng higit 100 milyon populasyon ng bansa) para makamit daw ang herd immunity.

Ano bang animal ang herd immunity? Ito ang dami ng mga tao na magkakaroon ng anti-bodies at kaya nang lumaban sa virus. Kung sa isang lugar eh sapat na ang bilang ng mga tao na kayang lumaban sa virus, mahihirapan na ang sakit na lumipat sa iba hanggang sa tuluyan nang mawala ang virus.

Katunayan, 400,000 hanggang 500,000 katao bawat araw ang target na maturukan ng anti-virus para makamit natin ang herd immunity pagsapit ng December para maging masaya daw kahit papaano ang Pasko.

Pero duda ang kurimaw natin na mahilig mag-unboxing ng mga inoorder niya sa online kahit wala namang box ang binili, kung makakamit ang ambisyosong target dahil nga sa bagal ng proseso ng pagbabakuna.

Bukod doon, napansin niya na hindi raw magiging madali para sa mga hindi masyadong may alam sa electronic mail o email ang pagpapalista via online para makakuha ng schedule ng bakuna.

Related Posts

Tiyak daw na kakailanganing magpatulong ng mga matatanda at maging ng mga hindi talaga marunong sa computer, para magpalista online. Kailangan mo pa kasing gumawa ng sariling email add at maraming tanong na kailangang sagutan.

Kapag nagpunta naman sa barangay ang magpapabakuna, hihingin lang ang pangalan at telepono tao at abangers din kung kailan matatawagan kung maililista na.

Mula nang simulan ang pagbabakuna noong Marso, hanggang ngayon eh nasa A-1 (healthcare workers), A-2 (senior citizen), at kakaunting A-3 (adult persons with comorbidities), ang mga binabakunahan.

Kaya hindi kataka-taka na may mga senior citizen na nagpupunta sa mga vaccination site para magpabakuna pero hindi naman mabakunahan dahil wala silang schedule. Aba’y dapat alamin ng mga kinauukulan ang dahilan at remedyuhan ang problema para maturukan na sila.

Buweno as in Cely Bueno ng DWIZ radio, mula nga sa dating 70 hanggang 80 milyon na target na maturukan para sa herd immunity, aba’y bumaba na raw ang target na maturukan sa 58 milyon, ang 70 porsiyento raw ng 83 milyon populasyon na nasa tinatawag na COVID-19 hotspots.

Ibig sabihin, sa halip na ibase sa buong populasyon ng Pilipinas sa pagkuha ng herd immunity, ibinase na lang ito sa mga lugar na mataas o mayroong maraming kaso ng COVID tulad ng Metro Manila at kalapit na mga lalawigan at malalaking siyudad.
Ang tanong ng ating kurimaw, tama ba at may basehan ang bagong target na bilang sa herd immunity?

Hindi natin maaalis na magtanong at mag-aalala ang kurimaw natin. Baka nga naman kapag nakuha na ang sinasabing herd immunity eh magpakakampante na ang mga tao at gobyerno, at paalagwahin na ang galawan at pasyalan. Pero iyon pala eh hindi pa lubos na kontrolado ang virus at katakot-takot na hawahan ang mangyari tulad ng sinapit ng India. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.