Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilang atleta eensayo na

0 316

Posibleng makabalik na sa mga ensayo sa susunod na buwan ang mga atleta ng 19 national sports associations (NSAs) na mga naghahangad mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Tiwala si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na mabibigyan sila ng ‘green light’ ng Inter-Agency Task Force (IATF) para makapagpatuloy ng training ang mga nariritong manlalaro.

“Kapag nag-MGCQ (Modified General Community Quarantine) na baka tuluy-tuloy na ‘yung resumption ng training unless we can give a beter venue for that. Health and safety pa rin ang pinag-uusapan,” pahayag ni Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum niitong Martes. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.