Abante Tonite Interactive

Ilang bahagi ng Metro Manila binaha sa biglaang pag-ulan

333

Nagdulot ng matinding trapiko ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan sa Metro Manila, Miyerkoles nang gabi.

Sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga lugar na binaha ang Edsa Ortigas Service Road, Shaw Boulevard Tunnel, Aurora Boulevard at Quezon Avenue Biak na Bato.

Sa adivsory naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration, alas-siyete nang gabi, nakaranas ng malakas na pagbuhos ng ulan ang Metro Manila, maging ang katabing lalawigan ng Zambales, Bulacan, Laguna, Rizal at Quezon.

Nag-abiso rin ang ahensya para magsagawa ng mga precautinary measure kaugnay ng posibleng dulot ng pag-ulan tulad ng flash flood at landslide.
Samantala, naitala naman sa Virac, Catanduanes ang pinakamataas na heat index na pumalo sa 52.2 degrees Celsius.

Nalagpasan nito ang 51.7 degrees Celsius heat index sa Dagupan City, Pangasinan noong Abril 9.