Abante Tonite Interactive

Ilang bet ng ‘Go’ nagpabida sa SEAG

231

Isa sa buwenas na kuwadra sa katatapos na 30th Southeast Asian Games Philippines ang mga pambato ng Go For Gold dahil nakapag-ambag ng medalya para sa nag-overall champion na Team Pilipinas laban sa 10 ibang bansa.

Una sa listahan sina triathletes Marion Kim Mangrobang at John Lirams ‘Rambo’ ­Chicano, skateboarder Margielyn Didal na mga naging double gold medalist sa ilalim ng Go For Gold ­program ni Jeremy Randell Go.

Nagpakitang gilas din sina kickboxers Jean Claude Saclag, Gina Iniong at Jerry Olsim na mga nanaig sa kanilang weight classes kasama sina wrestlers Jason Baucas at Noel Norada, na mga suportado rin ng GFG.

‘Di naman nagpahuli ang national sepak takraw team, na may two gold at three bronze medals sa 11-nation, 12-day biennial sportsfest, kasama pa ang canoe-kayak.

“I congratulate our Go For Gold athletes for contributing to the success of the country’s SEA Games campaign. With hard work, desire and perseverance, you have once again made the country proud,” ni godfather Go sa thanks giving party sa Acero Hall, Marine Barracks, Fort Bonifacio, Taguig.

Sunod sa radar ni Go ang pagtataguyod sa 2020 Asian Skateboarding Championships. (Elech Dawa)