Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilang bugok sa hanay ng PNP

0 299

Kalunos-lunos ang nangyaring brutal na pagpatay sa isang 52 anyos na si Lilybeth Valdez sa kamay ni Police Master Sergeant Hensie Zinampan.

Nakakadismaya dahil kung sino na ang inaasahan nating mag-e-enforce ng batas at magpoprotekta sa atin ay siyang pang gumagawa na kahindin-hindik na krimen kagaya ng ginawang pagpaslang kay Lilybeth.

Sobang lakas loob nitong pulis na ito na itanggi ang pagpatay sa isang ginang nawalang kalaban-laban gayong malinaw naman sa video na siya ang gumawa ng krimen.

Ang kaso ni Lilibeth ay katulad sa nangyari noon sa ginawang pagpatay din sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre 2020. Isa ring Police Master Sergeant ang suspek noon, Jonel Nuezca, kung di ako nagkakamali.

Haharap-harapan din binaril ni Nuezca ang mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio. Ang dahilan, away sa right of way. Nakapiit si Nuezca matapos kasuhan ng two counts of murder dahil sa krimen niyang ginawa.

Hindi ko lang malubos maisip kung bakit nagagawa na pulis na gumawa ng ganoong uri ng kalunos-lunos na krimen. Dapat nga ang isang law enforcer ay mahinahon sa lahat ng bagay pero iba itong kanilang pinapakita.

SM food to go Banner Ad

May nakaaway lang eh agad na bubunutan ng baril at walang sabi-sabing papuputukan ang kanilang nakaalitan. Ang nakakalungkot, mga inosenteng sibilyan ang kanilang napapatay.

Okay lang siguro kung gawin nila yan sa mga kriminal. Utasin agad lalo na yung mga suspek sa rape, robbery with homicide, kidnapping, rape with murder at iba pang uri ng krimen. Pero iyong pulis na basta na lang papatay ng isang walang kalaban-laban na indibwal, aba’y may saltik na sa ulo ang mga yan.

Kung kelan naman pilit na inaayos ng liderato ng PNP ang imahe ng mga pulis eh heto’t lumitaw na naman ang isang anay sa kanilang hanay. Nakakadismaya di ba?

Kaya nga hindi mo masisisi ang ilan na nawawalan na ng tiwala sa mga pulis dahil nga may ilang bugok na sumisira sa kanilang hanay. Well, iilan lang naman iyang dahil marami pa ring matitinong mga pulis.

Nakakalungkot na may ganyang klase ng pulis. Pero mas nakakalungkot ang mga naiwang pamilya ng napaslang ng mga ruthless na mga pulis na ito kagaya nina Zinampan ang Nuezca.

Maiibsan lang ang kanilang pighati kung mabibigyan ng hustiya ang pagkamatay nina Lilybeth at mag-unang Sonia at Frank Anthony.

Leave A Reply

Your email address will not be published.