Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilang Cebuano trip magka-COVID para kumita ng P80K

0 520

Nakakabahala ang nagaganap na bentahan ng blood plasma sa Cebu City kung saan sinasabing karamihan sa mga Cebuano ay gustong magka-coronavirus disease dahil sa malaking halaga na kapalit nito kung saan aabot sa ₱80,000 ang isang bag ng plasma.

Ang blood plasma mula sa recovered patients ay nagtataglay ng antibodies na kayang labanan ang SARS Cov2, ang coronavirus na COVID-19 na maaaring isalin sa mga nadapuan ng sakit at makatulong sa kanilang paggaling.

Dahil dito’y nagbabala ang Department of Health (DOH) sa Central Visayas sa mga ospital at sa mga Covid-19 survivors na huwag samantalahin ang nagaganap na pandemya.

Ayon kay DOH Region 7 Spokesperson Dr. Mary Jean Loreche, may natatanggap silang ulat kaugnay sa pagbebenta ng blood plasma sa mga pasyente sa Cebu City.

Mananagot naman ang mahuhuling mga hospital na gagamit at magbebenta ng blood plasma na walang sapat na pahintulot mula sa kagawaran.

Giit ng DOH, ang pagbebenta ng blood plasma o iba pang organs sa pasyente ay illegal at mananagot ang gagawa nito.

Nabatid na mino-monitor na ng mga awtoridad ang bentahan ng blood plasma sa Cebu City, partikular na sa mga liblib na barangay. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.