Abante Tonite Interactive

Ilang cosmetic product sa Baguio delikado

179

Nagbabala ang Baguio City Ecowaste Coalition (BCEC) na mataas ang mercury at lead content ng ilang cosmetic pro­duct na ibenebenta at nabibili sa Baguio City.

“Doon sa findings natin, out of 15 skin whitening creams na nakitaan natin, 14 dito ay may taglay na mercury,” ani BCEC chemical safety campaigner Thony Dizon.

Ayon kay Dizon, maging ang mga lipstick ay nagpositibo rin sa mataas na lead content na nabili raw nila sa halagang P50 hanggang P280 kada piraso.

Sabi naman ng isang eksperto, may negatibong epekto ang mga ito sa balat lalo na kung madalas ang paggamit.

“In majority of patients walang mangyayari pero pag paulit-ulit mo siyang ginagamit, mag-a-accumulate kasi ‘yan to the skin at magkakaroon ng toxic effect. So sila ‘yung nagkakaroon ng neurologic problems, ‘yung iba naman nagkakaroon ng manipis na skin, nagkakaroon ng impeksiyon,” ani Dr. Faith Kishi General, isang dermatologist ng nasabing siyudad.

Sa pag-aaral din ng World Health Organization (WHO), pangunahing epekto ng paggamit ng mga produktong hindi organiko tulad ng mga pampaputing sabon o cream ay ang pagkakasakit sa atay. (Allan Bergonia)