Abante Tonite Interactive

Ilang general manager dismayado kay James

414

Dismayado ang ilang general manager ng ilang team sa NBA dahil hindi raw ipinatupad ng liga ang tampering rules matapos hayagang sabihin ni Los Angeles Lakers star LeBron James na tanggap niyang makasama si New Orleans Pelicans big man Anthony Davis.

“Amazing” ang sagot ni LeBron sa tanong kung ano ang masasabi niya sakaling lumipat sa Lakers si Davis.

Base sa NBA rules, kakasuhan ng ‘tampering’ ang player na “directly or indirectly, entices, induces, persuades or attempts to entice, induce or persuade any player, coach, trainer, general manager, or any other person who is under contract to any other member of the Association to enter into negotiations for or relating to his services.”

Sinabi ng Pelicans na hangga’t nakakontrata sa kanila si Davis ay hindi nila ito pakakawalan.

Marami ang umaangal sa sinabi ni James.

“If these are the rules, enforce them,” pahayag ng isang general manager sa Western Conference, ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN. “If you want to push Anthony Davis in L.A., if you allow LeBron to interfere with teams, then just do it. Change the rules, and say ‘It’s the wild, wild west and anything goes.’ But give us a list of the rules that you’re enforcing, and give us a list of the rules that you’re going to ignore.”

Para sa isang Eastern Conference GM, apektado silang small market teams sa ganitong sistema. Baka raw pagkatapos ng New Orleans ay ibang small markets naman ang mamroblema. (VE)