Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilang gusto ko sa Bagong Taon

0 145

Noon pong nakaraang Martes, natalakay ko ang mga kagustuhan ko para sa Pasko.

Hayaan po ninyong ibahagi ko naman ang ilang mga asam ko ngayong Bagong Taon.

PH sports – Magtagumpay sa dalawang malaking mga koompetisyon ngayong 2022 – ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa May 12-23 at ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Sept. 10-25.

Philippine Sports Commission – Maging ganap na Department of Sports at ang kasalukuyang PSC chairman na si William Ramirez ang magmando bilang secretary tapos niyang timunan ang ‘Pinas sa mga tagumpay sa 2005 at 2019 SEA Games at sa 2020+1 Tokyo Olympics.

Philippine Basketball Association – Mapigilan ng unang Asia’s play-for-pay hoop sa pamumuno ni Commissioner Willie Marcia ang pagtawid-bakod ng mga PBA star sa Japan’s B.League.

PBA players agent-manager na mag-amang Danny Espiritu at Marvin Espiritu – Marami pang mahawakang basketbolista para na rin sa kabutihan ng mga manlalaro.

Nhea Ann Barcena – Matuloy ang botak sa dalawa sa anim na world marathon majors ngayong taon. Sa 126th Boston Marathon sa Massachusetts sa April 18 at 48th Berlin Marathon sa Germany sa October 2.

At sa National MILO Marathon at iba pang mga patakbo – Makabalik na sa mga lansangan para sa karerahan uli. Kating-kati na rin ang mga paa ko. Hehe…

Happy and Prosperorous New Year po sa ating lahat!

Leave A Reply

Your email address will not be published.