Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilang gym dapat ng buksan – Fernandez

0 264

Plano ng Philippine Sports Commission (PSC) na buksan ang ilang gyms upang masimulan ng apat na sports ang pagsasanay at paghahanda ng mga atleta na naghahabol sa mga Olympic Qualifying Tournament para sa 32nd Summer Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Nabatid kahapon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, na itinalaga noong Lunes bilang Officer- in-Charge ng ahensiya, na pag-uusapan sa virtual PSC meeting ngayong Linggo ang matagal nang kahilingan ng mga national athlete upang makapagpatuloy ng training.

“The PSC Board is looking at the possibility of allowing the resumption of training of Olympic qualifying candidates in boxing, karate, taekwondo and fencing,” anang pansamantalang pumalit kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez.

Nag-leave of absence noong Hunyo 22 hanggang Hulyo 20 si Ramirez upang personal na maalagaan ang asawang si Mercy na mula sa gall bladder operation. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.