Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilang lugar sa Antipolo, ila-lockdown

0 256

SIMULA ngayon, Lunes ay isasailalim sa lockdown ang ilang mga lugar sa Antipolo City para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Kabilang dito ang Sitio Upper Ruhat 3A, Brgy. Mambugan; 1st Street in Sitio Oreta, Brgy. San Isidro; Sitio Kamandag 3 sa boundary ng Barangay Bagong Nayon at Mayamot; Zapanta Compound sa Brgy. San Roque at ilang piling bahagi ng Sitio Tubigan, Brgy. Dalig.

Kabilang sa mga bahagi ng Sitio Tubigan ang Matalino street; Plaza Dilao; Maganda street; Masikap street at Mahinhin street

Ayon kay Mayor Andeng Ynares, hindi papayagang lumabas ng mga bahay ang mga apektadong residente, maliban na lamang kung sila ay mga frontliners o may medical emergency, o kaya ay authorized persons outside residence o APOR.

“Bagaman pinapayagan pa rin makalabas ang isang miyembro ng pamilya para sa mga essential goods tulad na pamamalengke, magbibigay po muli ang pamahalaang lungsod ng mga food packs dalawang beses sa loob ng isang linggo,” pahayag ni Mayora Ynares.

Giit ng alkalde, magsasagawa ang siyudad ng mobile o offsite COVID-19 test sa mga residente ng mga lockdown areas, lalo na sa mga may sintomas at mga pasok sa vulnerable groups tulad ng mga senior citizens, buntis, mga may comorbidities o existing na sakit tulad ng diabetes, hypertension, mga cancer and dialysis patients, atbp.

“Inaasahan ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan upang masiguro ang tagumpay ng ating isasagawang ECQ para sa inyong sariling kaligtasan,” hiling ni Mayor Ynares.

Ang lalawigan ng Rizal, kasama ang Antipolo City ay nasa General Community Quarantine (GCQ).

Leave A Reply

Your email address will not be published.