Abante Tonite Interactive

Ilang lugar sa Cubao sarado hanggang Peb 1

393

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara para sa mga motorista ang ilang lugar sa Aurora Boulevard mula ngayon, Enero 25 hanggang Pebrero 1 upang bigyang-daan ang pagpapalit ng 11 escalator units ng Light Rail Transit-2 (LRT-2) sa Cubao Station.

Sa inilabas na statement, sinabi ng MMDA na ang bahagi ng Aurora Boulevard sa pagitan ng Oxford at Imperial Street ay isasara sa mga motorista, kung saan ang westbound lane (Manila bound) ay hindi muna madaraanan mula alas-12:01 nang madaling-araw ngayong Enero 25 (Sabado) hanggang Pebrero 1 (Sabado).

Ang aksyon ng MMDA ay mula nang ipabatid ng Department of Transportation ang gaga­wing paglilipat ng mga escalator unit sa malaking truck mula Cubao LRT-2 Station kung saan ay gagamit ng mobile crane. (Dolly Cabreza)